Martin del Rosario, may butt exposure at torrid kissing scenes sa dalawang pelikula

by Jojo Gabinete
Aug 8, 2018

Kinumpirma ni Martin del Rosario na totoo ang balitang tumatanggi siyang tumanggap ng gay roles hangga’t hindi naipalalabas sa mga sinehan ang Born Beautiful, ang sequel ng blockbuster movie na Die Beautiful.


Sabi ni Martin, iniiwasan na niyang ma-typecast sa mga transgender woman role kaya tinanggihan niya ang isang television project na ibinibigay sa kanya ng GMA-7.

Continue reading below ↓

Malapit nang magwakas ang Hindi Ko Kayang Iwan Ka, ang regular television series ni Martin sa Kapuso network, pero hindi siya mababakante dahil bukod sa Born Beautiful, tinatapos niya ang My Stepmother’s Lover, ang indie movie na pinagbibidahan nila nina Kiko Estrada at Sunshine Cruz.

May daring scene si Martin sa My Stepmother’s Lover dahil nakumbinsi siya ng direktor na si Adolf Alix na magkaroon ng butt exposure.

Matindi rin ang mga eksena ni Martin sa Born Beautiful dahil, ayon sa kanya, laplapan ng mga labi at hindi basta kissing scene ang ginawa nila ni Akihiro Blanco at Kiko Matos.

"Marami akong kissing scene, may dalawa akong lalaki doon, 'tapos may naka-partner pa ako na babae.

"Yung story niya kasi, parang medyo baliw-baliw, pero kapag napanood niyo, may lesson.

"Hindi naman bastos yung treatment, pero yun ang pinakamapupusok na eksena ko. Medyo laplapan yung dating.

"Sabi nga ni Direk Perci [Intalan], sana mailaban natin ito ng R13 kasi medyo mature yung istorya.

Continue reading below ↓

"Excited ako dahil proud ako sa mga nagawa namin.

"Maganda siya, comedy na may lesson," sabi ni Martin.

Sguradong-sigurado raw siyang magugustuhan ng LGBTC community ang Born Beautiful.

Postscript: Nakausap ng Cabinet Files si Martin sa set ng Hindi Ko Kayang Iwan at isa sa mga nag-interbyu sa kanya ang co-star niyang si Yasmien Kurdi.

Sinabi ni Martin kay Yasmien na mami-miss niya ang aktres dahil matalik silang magkaibigan.

Si Yasmien ang unang nakatrabaho ni Martin nang lumipat ito sa GMA-7 noong 2014.

Kuwento ni Martin, "Si Yasmien ang unang-una kong nakaeksena at nakatrabaho sa Rhodora X nang lumipat ako sa GMA-7.

"Siya ang unang nakaharap ko kaya nawala ang kaba ko.

"Mabait talaga siya, hindi niya ipina-feel sa akin na kailangang kabahan ako."

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results