Mike Tan, gusto ng babaeng anak para magkaroon siya ng prinsesa

Five months pregnant ang misis ni Mike Tan.

Pero hindi pa nila alam ang kasarian ng sanggol, kahit dalawang beses nang sumailalim sa ultrasound test ang asawa niya, dahil nakatagilid ang posisyon ng bata.


Kung si Mike ang masusunod, babae ang gusto niyang maging anak dahil may reyna na siya kaya prinsesa na lang daw ang kulang sa kanyang buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Babae ang gusto ko. Hindi ko talaga ma-explain kung bakit.

"Yung iba sinasabi para may mag-alaga [sa amin] pagtanda, hindi naman yun ang goal ko.

"Gusto ko lang ng prinsesa sa buhay ko dahil may queen na ako."

Mula nang magpakasal sila ng misis niya noong January 22, 2018, mapapansin sa mga eksena ni Mike sa Hindi Ko Kayang Iwan Ka ang malaking improvement sa kanyang physical appearance at ang positive aura na resulta ng kaligayahang nararamdaman niya.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Mike, nakumpleto ang pagiging lalaki niya nang mag-asawa siya at ngayon, magkakaroon na sila ng anak na isang malaking responsibilidad pero nagbibigay sa kanya ng fulfillment at kaba.

“Ang kinakabahan ako, papaano ko ibi-build ang values ng magiging anak namin. Paano ko magagaya sa amin?

"Doon ako kinakabahan kasi hindi ko alam, e.

"Ang naaalaala ko lang kay Mama, lagi niya akong isinasama sa simbahan.

"Tututukan talaga namin siya. Gusto namin siyang i-mold bilang responsableng tao at yung mga respeto niya sa tao, pantay-pantay.

"Yun ang gusto kong mangyari sa kanya, pero siyempre, may sarili siyang karakter, so hindi ko alam kung anong kahihinatnan.

"Sana ma-guide namin siya papunta doon," ang mga pangarap ni Mike para sa kanyang anak.

Trivia: Nang umabot sa 12 taon ang relasyon nila, nagdesisyon si Mike at ang girlfriend niyang magpakasal.

Hindi binabanggit ni Mike sa mga interview ang pangalan ng asawa niya dahil sa malaking pagpapahalaga sa privacy ng babaeng kanyang pinakasalan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kahit pagod at puyat si Mike sa taping ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka, siya ang personal na naghahatid at sumusundo sa asawa niya, na tinatapos ang European Languages course sa University of the Philippines.

Natutulog na lang si Mike sa loob ng sasakyan habang hinihintay ang kanyang asawa.

Whenever I see rainbows, I am reminded not only of God's ability to create indescribable beauty but also of the faithfulness and grace He showed Noah and the rest of mankind in Genesis 9. Last July 8, 2017, after receiving approval from her parents, I asked my now wife to marry me. After she said yes, our friends noticed that there was a rainbow in the background so they immediately took a photo of that moment. I've always known that she was God's best choice for me but having that seal of approval in the sky was more than enough validation from God. ------------------------------------------------------------------------------ "When the rainbow appears in the clouds, I will see it and remember the everlasting covenant between me and all living beings on earth. That is the sign of the promise which I am making to all living beings.” --Genesis 9:16-17 GNT

A post shared by Mike Tan (@imiketan) on

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close