Ai-Ai delas Alas, winakasan na ang vow of celibacy

by Jojo Gabinete
Aug 9, 2018

Sons of Nanay Sabel ang pamagat ng pelikulang gagawin ni Ai-Ai delas Alas at ng Ex Battalion sa Viva Films.


Ang award-winning writer na si Mel del Rosario ang sumulat ng kuwento at si Dado Lomibao ang direktor ng Sons of Isabel, musical/drama/comedy na launching movie ng Ex Battalion.

Continue reading below ↓

Sisimulan agad ang shooting ng Ex Battalion na plano ng Viva Films na gawin bilang birthday presentation ni Ai-Ai sa November.

"Iba ito kasi it’s a dramedy musical movie. Ka-level ito ng Mamma Mia 1 and 2 na pinagsama.

"Kidding aside, it’s a feel-good movie. Pampamilya, nakakatuwa.

"Ibang-iba ako dito kasi hindi ako perfect na nanay, marami akong flaws," ang description ng Comedy Queen tungkol sa pelikula nila ng kanyang mga alaga.

Noong hindi pa sila kasal ng kanyang mister na si Gerald Sibayan, may vow of celibacy si Ai-Ai kapag may inuumpisahan siyang pelikula.

Pero hindi na ngayon dahil may basbas na ng simbahan ang kanilang pagsasama.

"Hindi na ako nagpa-practice ng celibacy. Noon kasi, wala pa akong asawa.

"Kapag kasal ka na, puwede na dahil legal na," sabi ni Ai-Ai.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results