Ang marami ang manood ng Bakwit Boys ang one and only request ni Nikko Natividad, na hindi umaasang magkakaroon ng acting award dahil hilaw na hilaw pa raw ang kakayahan niya sa pag-arte.
Ang Bakwit Boys, official entry ng T-Rex Entertainment Productions sa 2nd Pista ng Pelikulang Pilipino, ang biggest movie break ni Nikko.
Si Nikko ang Hashtags member na former winner ng "Gandang Lalake" ng It’s Showtime at dating nagtatrabaho bilang waiter.
Pero malaki ang ipinagbago ng takbo ng buhay niya nang ideklarang grand winner ng first "Gandang Lalake" segment ng It’s Showtime noong October 2014.
Nang maging artista siya, sinubukan ni Nikko na gamitin ang malulungkot na karanasan niya para makaiyak sa mga dramatic scene, pero nabigo siya.
"Pinatay ko na lahat sa isip ko ang mga kamag-anak, pati ang mga anak ko, pero hindi pa rin effective, ayaw tumulo ng luha.
"Kapag nasa bahay ako, kapag pina-practice ko siya, nakakaiyak naman ako.
"Siguro raw nako-conscious ako," ang funny anecdote ni Nikko tungkol sa pagpilit niyang matutong umiyak nang natural sa harap ng mga kamera.
Nalutas ang dilemma ni Nikko sa pag-iyak dahil may nagpayo sa kanya ng: “Huwag mo nang isipin na may namatay sa mga kamag-anak mo. Luma na iyan, isipin mo na ikaw ang nasa istorya na nangyayari talaga."
Itinuturing ni Nikko na malaking tulong na inamin niya sa publiko ang pagkakaroon ng pamilya dahil ito ang inspirasyon para lalong magsikap at mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang anak.
Sa tuwing may free time si Nikko, pinupuntahan niya ang restaurant na dating pinaglilingkuran para dalawin ang mga kasamahan at kaibigan na waiter.
Alam daw kasi niya ang kahalagahan ng paglingon sa pinanggalingan.