Jaycee Parker, ikakasal na sa dating asawa ni Isabel Granada na si Jericho Aguas

by Jojo Gabinete
Aug 9, 2018

Apat na taon na ang relasyon nina Jaycee Parker at Jericho Aguas aka Geryk Genasky, pero lalong tumatag ang pagmamahalan nila nang maging Christians sila.


Noong nakaraang buwan, nagdesisyon sina Jaycee at Jericho na magpakasal para mabasbasan ng Panginoon ang kanilang pagsasama.

"Noong sabay kaming naging Christian, na-feel ko na siya na talaga ang lalaki na gusto kong makasama habang buhay," pahayag ni Jaycee sa Cabinet Files.

Continue reading below ↓

Walang inaasahan si Jaycee na magbabago sa buhay niya kapag nagpakasal siya kay Jericho dahil tatlong taon na silang nagsasama sa isang bahay.

"Ang magbabago lang talaga is my last name.

"I am just very happy and blessed.

"God has given me everything I asked from Him. Baby na lang ang next," sabi ni Jaycee, na understandable ang sobrang kaligayahang nararamdaman.


Continue reading below ↓

Magaganap sa August 19, Linggo, 4 p.m., sa isang events place sa San Fernando, Pampanga ang pag-iisang dibdib nina Jaycee at Jericho.

Best man sa Parker-Aguas wedding si Hubert Thomas Jericho Aguas, ang anak ni Jericho at ng pumanaw na aktres na si Isabel Granada.

Bridesmaids sina RR Enriquez at Antoinette Taus.

Secondary sponsors sina Ara Mina, Maui Taylor, at Katya Santos.

Kabilang sa mga principal sponsor sina former PNP General Director Ronald "Bato" dela Rosa, ex-Senator Lito Lapid, former Ilocos Sur Governor Luis "Chavit" Singson, Veronique del Rosario-Corpus, at Alma Moreno.


Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
cabinet files, Jaycee Parker
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results