Neil Arce, bakit di pa makapagprodyus ng pelikula para kay Angel Locsin?

Gustuhin man ng N2 Productions producer na si Neil Arce, hindi pa niya puwedeng ipag-produce ng pelikula ang kanyang girlfriend na si Angel Locsin.

Busy pa kasi ang aktres sa taping ng The General’s Daughter, ang upcoming prime time series ng ABS-CBN.


Co-production venture ng Viva Films at ng N2 Productions ang Miss Granny, ang pelikula ni Sarah Geronimo na mapapanood sa mga sinehan simula sa August 22.

Nakausap ng Cabinet Files si Neil sa presscon ng Miss Granny at dito siya tinanong tungkol sa posibilidad na gumawa si Angel ng pelikula sa film outfit niya.

Sinabi ni Neil na gusto ni Angel na mag-concentrate sa taping ng The General’s Daughter kaya hindi pa gagawa ng pelikula ang girlfriend niya.

Reportedly, ang The General’s Daughter ang ipapalit ng ABS-CBN sa FPJ's Ang Probinsyano.

Pero walang katiyakan kung kailan magwawakas ang prime time action-drama series ni Coco Martin dahil sinusuportahan at tinatangkilik pa rin ito ng televiewers.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN