Ex Battalion members: Sino ang nag-resign sa Supreme Court at sino ang ikakasal na?

by Jojo Gabinete
Aug 10, 2018

Nag-resign na sa trabaho niya sa Disbursement Section ng Supreme Court ang Ex Battalion member na si James Samonte, aka James Brando, dahil dumarami na ang tardiness at absences memorandum na natatanggap niya mula sa HR Department.


Ex Battalion members James Samonte (left) and Jon Gutierrez (right)

Continue reading below ↓

Pinayuhan si James na mag-resign na lamang kesa masira ang kanyang record bilang empleyado ng Supreme Court dahil dumarami na ang commitments ng Ex Battalion na pinupuntahan niya.

Sinunod ni James ang payo sa kanya dahil sa assurance na tatanggapin pa rin siya kung sakaling balikan niya ang dating trabaho, basta wala nang conflict sa kaliwa’t kanan na schedule ng grupo nila.

Introducing si James sa Sons of Nanay Sabel, ang unang pelikula ng Ex Battalion, kasama ang kanilang manager, ang Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas.

Baby James ang pangalan ng karakter ni James sa Viva Films movie na hindi raw dapat bigyan ng malisya dahil James ang tunay na pangalan niya.

Troll Montero naman ang character name sa Sons of Nanay Sabel ng Ex Battalion member na si Jon Gutierrez, aka King Badger, na madalas na tinutukso na troll dahil sa kanyang hairstyle.

Malapit nang ikasal si Jon pero tiniyak nitong hindi magkakaroon ng conflict sa shooting ng pelikula nila ang pag-aasawa niya.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results