Naghahanap si Carlos Morales ng mga aspiring actor na may edad na 18 hanggang 30 para sa pelikulang gagawin niya.
Great physique, good-looking, at magaling sumayaw ang requirements ni Carlos para sa mga magbibida sa movie project niya na inspired ng Hollywood film na Magic Mike.
Magaganap ang auditions sa susunod na Sabado, August 18, 1 p.m. to 9 p.m., sa TCMI Fashion Academy sa J.Molina St., Concepcion, Marikina City.
Ang dance movie na pinaplano ni Carlos ang ika-apat na project niya bilang filmmaker dahil siya ang direktor ng mga indie movie na Piring, Latay, at Rolyo.
Malapit sa puso ni Carlos ang kanyang upcoming movie project dahil magagamit niya ang mga kaalaman sa pagsasayaw.
Bago siya naging artista, member si Carlos ng Exclusive Dancers, ang dance group na regular na nagsasayaw noon sa defunct youth-oriented television show na That’s Entertainment.
Naranasan din ni Carlos na magtrabaho bilang hip-hop dance tutor sa nationwide branches ng Slimmers World nang manalo siya noon sa Great Bodies contest ng nabanggit na fitness gym.
"Passion ko talaga ang pagsasayaw," ang sabi ni Carlos.
Nagtapos si Carlos ng filmmaking course sa New York Film Academy noong 2016 kaya may karapatan siyang maging direktor ng isang dance movie.