Edu Manzano, balak kuning ninong sa kasal ni Sancho delas Alas

Si Edu Manzano ang ninong sa binyag ni Sancho delas Alas kaya plano nitong kunin ang aktor bilang isa sa mga principal sponsor sa kasal nila ng kanyang fiancée na si Shanna Retuya.

Magkasama sina Edu at Sancho sa FPJ's Ang Probinsyano ng ABS-CBN.


Nagkikita ang mag-ninong sa set pero hindi pa sila nabibigyan ng pagkakataonga magkaroon ng eksena na magkasama.

Nonetheless, puring-puri ni Sancho ang ugali ng kanyang Ninong Edu dahil ito ang source of happiness ng cast ng Ang Probinsyano.

"Very jolly si Ninong Edu. Bihira kaming magkita pero ramdam na ramdam ko talaga ang pagiging inaanak niya.

"Mabait siya sa lahat, very approachable at very generous.

"May time kasi na may taping kami sa Batangas at ipinapahiram ni Ninong Edu ang bahay niya doon," kuwento ni Sancho tungkol sa ugali ng kanyang ninong na isa sa mga inspirasyon at hinahangaan niya sa showbiz.

Postscript: Blessing in disguise na hindi pa kinakausap ni Sancho si Edu tungkol sa plano nila ni Shanna na kunin ang aktor bilang isa sa mga prinicipal sponsor sa kanilang church wedding sa December 10, 2018 dahil hindi ito matutuloy.

Napagkasunduan nina Sancho at Shanna na ipagpaliban sa susunod na taon ang church wedding dahil sa kakulangan ng panahon.

"Hindi po namin masyadong naaasikaso dahil sa busy schedule namin.

"Bihira kami na makapag-meeting sa wedding planner namin.

"Hopefully, sa March 2019 ang church wedding namin para sakto sa aming anniversary bilang boyfriend-girlfriend.

"Kapag sure na sure na po ang church wedding, saka namin kakausapin si Ninong Edu," paliwanag ni Sancho tungkol sa naudlot na pagpapakasal nila ng fiancée niya.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN