Kylie Verzosa, may mensahe sa kapwa niya Miss International winner na si Bea Santiago

May reaksiyon si Miss International 2016 Kylie Verzosa tungkol sa karamdaman ni Bea Santiago, ang Miss International 2013 na nagkaroon ng chronic kidney disease na epekto ng pre-workout drinks at heavy gym workout.


Nang sumali siya sa Binibining Pilipinas at Miss International noong 2016, naranasan ni Kylie na magbabad sa gym bilang paghahanda sa mga beauty contest na sinalihan niya kaya nakaka-relate siya sa pressure na pinagdaaanan ni Bea.

"I hope na mas maalagaan pa ni Bea ang sarili niya.

"Sa industriya na ito, may pressure ka na always to be at your best at minsan, we always want to be our best selves so sometimes we go to the extreme, we can’t help it.

"Dapat nga magkakaroon kami ng acting workshop together pero wala siya.

"Bea, I was looking forward to meeting you in our acting workshop," mensahe ni Kylie para kay Bea.

Nabanggit ni Kylie na matindi ang workout niya nang sumali siya noon sa Binibining Pilipinas, pero hindi na ngayon dahil umiiwas na siya sa mga processed food at sa mga supplement na hindi maganda ang epekto sa katawan.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN