Birthday girl Marian Rivera, nagpasalamat sa pagiging bahagi ng Smile Train

by Jojo Gabinete
Aug 12, 2018

Walang unnecessary drama sa 34th birthday celebration ni Marian Rivera sa Sunday PinaSaya ngayong araw, August 12, pero nag-crack ang boses niya nang hingan ng mensahe ng kanyang mga co-host.

Pinasalamatan ni Marian ang mga officer ng Smile Train, ang cleft lip and palate children’s charity na tinutulungan niya, at nagpasalamat siya sa Diyos dahil sa paggamit sa kanya na instrumento sa pagtulong sa kapwa.

"Kahit maliit at malaking pamamaraan, kapag may tao ka na napaligaya tulad ng Smile Train, hindi ito matutumbasan ng kahit ano, mga batang naaayos ang kanilang mga bibig para lang makapag-aral at mabigyan ng kumpiyansa sa sarili nila.

"Kaya thank you, Lord, for giving me this life para maging bahagi ng Smile Train at habang nabubuhay ako, hindi ako titigil sa pagtulong," ang pangako ni Marian.

Nang tanungin tungkol sa birthday wish niya, sumagot si Marian ng "Alam na ni Lord yung wish ko!"

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results