Mister ni Diana Zubiri, kinuhang fitness coach ni Mikee Quintos

Ang nadagdagan na timbang ni Mikee Quintos ang napansin ng entertainment writers na dumalo noon sa media launch ng Onanay.


Ang Onanay co-star ni Mikee na si Kate Valdez ang nagsabi na pumayat na si Mikee mula nang mag-umpisa sila ng taping para sa prime time television series ng GMA 7.

Alam ni Mikee na may mga pumupuna sa weight problem niya kaya humingi siya ng tulong kay Andy Smith, ang fitness coach husband ni Diana Zubiri.

Kapag walang taping para sa Onanay, may one-on-one session si Mikee kay Andy sa isang fitness center sa Quezon City.


Si Andy ang tinanong ng Cabinet Files tungkol sa goal nila ni Mikee na seryoso na mawala ang unwanted pounds sa katawan.

Pahayag niya, "Mikee’s goal is now to achieve her 'dream body.'

"She was active in her teenage years with various physical activities but in recent years due to her work commitments she hasn’t found the time.

"She’s motivated now more than ever and wants to be in shape by December.

"My goal for her is to build her strength, be more active during the week and to gradually improve her diet to reach that physique that she can enjoy with more confidence.

May mga one-on-one session gym clients si Andy para maibahagi niya ang kaalaman sa physical fitness, makatulong sa mga nagnanais na magkaroon ng malusog na pangangatawan at maging inspirasyon sa lahat.


 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN