Xian Lim, excited na sa pagpili ng cast para sa ididirek niyang pelikula sa Cinemalaya

by Jojo Gabinete
Aug 13, 2018

Tabon ang pamagat ng pelikulang gagawin ni Xian Lim bilang direktor para sa 15th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival sa 2019.


Nang tanungin si Xian sa presscon ng Miss Granny tungkol sa Cinemalaya entry niya, matipid ang kanyang mga sagot dahil umiwas siyang pangunahan ang announcement ng filmfest organizer.

Pero nagbigay ang aktor ng ilang detalye.

"It’s a full-length movie, it’s an entry for 2019, and it’s the script that I’ve been working on with Sir Ricky Lee nung nagsimula ako sa kanya.

"And I’m really excited for this dahil its something I’ve always wanted ever since pumasok ako back in 2009,” ang sabi ni Xian.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakakaramdam daw siya ng pressure pero nagpapasalamat dahil sa mga taong makakatrabaho niya sa kanyang unang pelikula bilang direktor.

"Definitely may pressure, but I found out a group of people who trust yung vision na gusto kong mangyari."

Tulad ng ibang mga direktor na may official entry sa 15th Cinemalaya, susundin ni Xian ang wastong proseso tulad ng pagpunta sa open casting para sa pagpili ng mga artista na magbibida sa Tabon.

“Yun ang masaya sa proseso. Not knowing and having to ask a lot of questions and learn a lot of things, yun ang pinakamasarap sa lahat na get you to do all these things.

"Wala pang cast, may open casting ang Cinemalaya, and I’ll go to the open casting muna, papakiramdaman ko and then I might have my own personal people in my list," pahayag ni Xian.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results