OctoArts Films, nakakaintriga ang di pagsosyo sa MMFF movie nina Vic at Coco

by Jojo Gabinete
Aug 14, 2018

Hindi na nag-elaborate si OctoArts Films International producer Orly Ilacad tungkol sa tunay na dahilan kaya hindi na siya kasosyo sa Jack Em Poy: The Puliscredibles, ang official entry nina Vic Sotto at Coco Martin sa 44th Metro Manila Film Festival (MMFF) na magaganap sa December 2018.


"I opted not to join this year," straightforward na sagot ni Boss Orly nang tanungin ng Cabinet Files tungkol sa desisyon niyang huwag makisosyo sa MMFF entry ni Vic, ang producer ng M-Zet Productions.

Nag-umpisa noong 2004 ang co-production venture ng OctoArts Films International at ng M-Zet Productions sa mga pelikula ni Vic na isinasali nito sa MMFF, kaya marami ang nagtaka dahil hindi kasama si Boss Orly sa mga producer ng Jack Em Poy: The Puliscredibles.

May mga intriguing story tungkol sa non-inclusion ni Boss Orly sa Vic-Coco project, pero maliban sa gusto niyang magpahinga muna sa pagsali sa MMFF ngayong 2018, wala nang ibang komento ang producer ng OctoArts Films.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kahit walang pelikula na kasali sa 44th MMFF ang OctoArts Films International, active na uli si Boss Orly sa paggawa ng mga pelikula.

Tatlong movie projects ang sunud-sunod na gagawin ng movie company niya.

Siya ang distributor sa Pilipinas ng The Witch: Part 1. The Subversion, ang critically-acclaimed Korean horror-revenge thriller na magbubukas sa mga sinehan sa August 22.


Ang The Witch ang itinuturing na top-ranking Korean film ng 2018 dahil pinilahan ito sa box office at kumita ng
US$16 million (approximately P850 million) nang magbukas sa mga sinehan sa South Korea noong June 27, 2018.

Ang good reviews at mainit na pagtanggap ng publiko sa The Witch ang dahilan kaya nagkaroon ng interes ang Warner Bros. na i-release globally ang pelikula na biggest movie break ng newbie Korean actress na si Kim Da Mi.

Napanood na ng Cabinet Files ang The Witch, na saganang-sagana sa violent and bloody scenes kaya posibleng bigyan ng R18 classification ng MTRCB.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results