Ang mga gusto at ayaw niya sa kanyang acting profession ang ipinasagot ng Cabinet Files kay Christian Bables, ang lead actor ng Signal Rock.
Nahaharap siya ngayon sa malaking hamon dahil nakasalalay ang career niya sa magiging pagtanggap ng publiko sa kanyang pelikula na official entry sa 2nd Pista ng Pelikulang Pilipino.
"Ang pinakagusto ko sa propesyon ko ay I was able to express my repressed feelings, yung mga unresolved issues in my life, personal issues na I’ve been battling, dito ko nailalabas sa acting.
"Ang pinakaayaw ko nung makatuntong ako sa showbiz, nagulat ako kasi ganito pala dito, magulo.
"Sorry for the term, napakadumi, wala akong makitang… kumbaga, bibihira akong makakita ng mga tao na may pure intentions.
"Most ng mga tao na inakala kong yumayakap sa akin, binebeso ako, saying good things about me, nakaka-disappoint na sila yung na-discover ko na, 'A, okey, ganito pala kayo.'
"Mahirap magtiwala sa industriya na ito," prangkang pagtatapat ni Christian.
Malumanay ang pagsasalita ni Christian, pero ramdam sa boses ang nararamdamang disappointment dahil sa kanyang mga personal na karanasan sa maiksing panahon na pananatili niya sa entertainment industry.
Sa tanong kung natanggap na rin siya ng indecent proposals, bukod sa mga disappointing experience niya, “Wala pa naman, so far” ang sagot ni Christian.