The Day After Valentine's at Unli Life, positibo ang feedback mula sa mga manonood

by Jojo Gabinete
Aug 15, 2018

Parehong matagumpay ang magkasabay na red carpet premiere noong Lunes, August 13, ng The Day After Valentine’s ng Viva Films sa TriNoma Cinema at ng Unli Life ng Regal Entertainment, Inc. sa SM Megamall Cinema.

Bago nagsimula ang screening ng The Day After Valentine’s, nagpasalamat agad sina Bela Padilla at JC Santos sa lahat ng mga dumalo sa advance screening ng kanilang pelikula.


Continue reading below ↓

“Kapag nagustuhan niyo yung pelikula, spread the word. Kung hindi naman po, please be kind,” ang pakiusap ni JC.

Hindi mangyayari ang hiling ni JC na “please be kind” dahil Graded A ng Cinema Evaluation Board ang The Day After Valentine’s.

Nangangahulugan na maganda ang pagkakagawa ng direktor na si Jason Paul Laxamana sa pelikula.

Dalawa ang pelikula ni Jason na kasali sa Pista ng Pelikulang Pilipino, ang The Day After Valentine’s at ang Bakwit Boys na Graded A din ng Cinema Evaluation Board.

Kahit competitors ang mga nabanggit na pelikula, sinuportahan ng newcomer na si Vance Larena ang red-carpet premiere ng The Day After Valentine’s at inendorso pa niya ang Bela-JC starrer.

Isa si Vance sa mga bida ng Bakwit Boys.

Overwhelmed naman si Vhong Navarro, ang lead star ng Unli Life, dahil tawang-tawa ang audience at marami ang nagsabi sa kanyang nag-enjoy sila sa panonood ng pelikula niya.

Continue reading below ↓

Maligayang-maligaya rin si Winwyn Marquez, ang leading lady ni Vhong sa Unli Life, dahil sa wakas, naranasan niyang maging bida sa pelikula kaya halos kumpleto na ang kanyang pagiging aktres.


Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results