Unli Life ni Vhong Navarro, umaarangkada sa takilya

Masaya sa bakuran ng Regal Entertainment, Inc. dahil malakas sa box office ang Unli Life, ang comedy movie ni Vhong Navarro na nagbukas ngayon sa mga sinehan.


Nagpapasalamat sa Diyos at sa moviegoers ang Regal producer na si Roselle Monteverde dahil sa magandang resulta sa box office ng pelikulang official entry nila sa 2nd Pista ng Pelikulang Pilipino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Equally thankful at grateful si Vhong sa Diyos at sa suporta ng publiko sa Unli Life na iniaalay niya sa kanyang ama na si Danilo Navarro na sumakabilang-buhay noong January 2018.

"Sobrang totoo iyan," sagot ni Vhong sa opinyon ng Cabinet Files na pinapatnubayan siya ng Panginon at ng kanyang ama dahil siya na ang padre de pamilya.

"Ako na nga ang padre de pamilya. Nangako ako sa Kanya na hindi ko pababayaan ang pamilya ni daddy," ang tagos sa pusong pahayag ni Vhong.

Hindi nalalayo sa personal na karanasan ni Vhong ang kuwento ng Unli Life dahil ang magbago ang tadhana at magkaroon ng unli life ang kanyang namatay na ina na ginagampanan ni Dimples Romana ang nais na mangyari ng karakter niya.

Sa tunay na buhay at kung maibabalik lang ang panahon, gusto ni Vhong na makasama pa nang matagal ang kanyang sumakabilang-buhay na ama.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close