Pirata ng pelikula, nahuling kinukunan ang The Day After Valentine's

by Jojo Gabinete
Aug 15, 2018

Dinala sa Angono Police Station ngayong araw, August 15, ang 36-year-old na babaeng nahuli na nilalabag ang batas laban sa camcording.

Caught in the act ang suspect habang inire-record niya ang The Day After Valentine's ng Viva Films sa loob ng SM Mall cinema sa Angono, Rizal.


Nangyari ang insidente ngayong hapon, 4 p.m., at ang checker ng Viva Films ang nagdala sa suspect sa police station para sampahan siya ng reklamo.

Tiniyak ng Viva Films management na kakasuhan nila ang suspect para hindi ito tularan ng iba.

Sa tuwing nagsisimula ang screening ng mga pelikula, paulit-ulit at hindi nagkukulang ang theater owners sa pagpapaala sa moviegoers na ipinagbabawal ng Republic Act 10088 o Anti-Camcording Act of 2010 ang illegal na recording ng mga pelikula, visual at audio.

On a lighter note, nagpapasalamat ang Viva Films sa lahat ng mga tumangkilik sa pelikula nina Bela Padilla at JC Santos dahil ito ang top-grosser sa walong pelikula na kalahok sa Pista ng Pelikulang Pilipino na magkakasabay na nagbukas ngayon sa cinemas nationwide.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results