Barbie Forteza, nagbigay ng ilang detalye sa horror movie nila ni Kris Aquino

by Jojo Gabinete
Aug 16, 2018

Sa pagkakaalam ni Barbie Forteza, para sa iFlix ang horror movie na gagawin nila ni Kris Aquino bago matapos ang taon at gaganap silang mag-ina.


Hindi inaasahan ni Barbie na alam na ng entertainment press ang pagsasama nila ni Kris sa isang project.

Dahil tinanong siya, naging generous ang young actress sa pagbibigay ng ilang mga detalye sa presscon ng Inday Will Always Love You, na naganap ngayong tanghali, August 16, sa 17th floor ng GMA Network Center.

Continue reading below ↓

"Ang sabi sa akin, anak ni Madam ang role ko," sabi ni Barbie, na nakilala rin bilang mahusay na impersonator ni Kris sa Sunday PinaSaya.

Nagkita ang dalawa sa set ng pelikulang My Little Bossings (2013), pero hindi pa ginagaya noon ni Barbie si Kris kaya hindi niya alam ang magiging reaksiyon ng huli kapag nagsimula na ang shooting nila para sa iFlix project.

"Never naman siya nag-comment about my impersonation of her so hindi ko alam kung aware siya o gusto niya, pero hindi ko na para itanong pa.

"Anak po niya ako doon sa film and it’s gonna be a horror film," ang maiksing detalye na ibinigay ni Barbie tungkol sa unang pagsasama nila ni Kris.

Si Adolf Alix Jr. ang direktor at siya ang nag-alok kay Barbie ng iFlix project.

Dalawa ang regular shows ni Barbie sa GMA-7, ang Inday Will Always Love You at Sunday PinaSaya, kaya aayusin niya ang kanyang schedule para hindi magkaroon ng conflict sa shooting ng unang team-up nila ni Kris.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results