Bela Padilla, iginapang ang estado niya ngayon sa showbiz

by Jojo Gabinete
Aug 18, 2018

Naganap kagabi, August 1, sa Botejyu restaurant ng Robinson’s Galleria ang victory party ng Viva Films dahil sa box-office success ng The Day After Valentine’s.

Ang romantic drama movie na pinagbibidahan nina Bela Padilla at JC Santos ang topgrosser sa 2nd Pista ng Pelikulang Pilipino.

Out of town si JC, kaya si Bela at ang The Day After Valentine’s director na si Jason Paul Laxamana ang dumalo sa victory party.


Ipinarating ni Bela sa lahat ang taus-pusong pasasalamat niya sa lahat ng mga nanood at sumporta sa second movie teamup nila ni JC.

Bukod sa fine performances nila at sa magandang kuwento ng pelikula, ang chemistry nila ni JC ang sagot ni Bela nang itanong sa kanya ng Cabinet Files ang posibleng dahilan kaya tinangkilik ng moviegoers ang The Day After Valentine’s.

"Tinanong ko ang family ko noong premiere night ng ano ang mas gusto nila, ang The Day After Valentine’s o ang 100 Tula Para kay Stella," pagtukoy niya sa unang movie project nila ni JC na official entry sa 2017 Pista ng Pelikulang Pilipino

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi ako, hindi ko ma-gauge.

"Ang sabi ng family ko, mas nakakakilig ngayon, siguro dahil second time na namin ni JC na mag-pair.

"Meron na raw kaming chemistry na hindi na kailangan ng nakakakilig na eksena. Kahit simpleng eksena lang, nakakakilig na.

"Nanood uli ako kahapon, nag-block screening.

"Meron nga kaming ibang galaw na ngayon. Parang very comfortable na kami sa isa’t isa.

"Baka nakatulong yung pangalawang beses namin na pagsasama sa pelikula," paliwanag ni Bela.

Dahil sa tagumpay ng collaboration nila nina JC at Jason, gusto ni Bela na gumawa uli sila ng pelikula pero hindi pa niya masabi kung kailan.

Kasama si Bela sa listahan ng mga intelligent actress ng henerasyon niya dahil sa kanyang kakayahan sa pag-arte at pagsusulat ng mga kuwento at screenplay, tulad ng Camp Sawi at Last Night.

Sa kabila ng mga achievement niya, nananatili ang humility ni Bela dahil hinding-hindi nito nakakalimutan ang mga pinagdaanan para marating ang kanyang kinalalagyan sa kasalukuyan.

"Kahit anong papuri, nagpapasalamat po tayo.

"Hindi ko naman kini-claim yun kaya thank you na lang sa mga nagsasabi.

"There’s not a day that goes by na hindi ako thankful sa layo ng nilakbay ko.

"It wasn’t easy, lahat din iginapang ko rin, talagang pinagtrabahuan, auditions kung saan-saan, lahat naman sinubukan ko so I’m very happy.

"Sana, I serve as an example to younger kids na, you know, good things don’t come easy.

"Kapag meron kang pangarap, hindi mo siya makukuha nang mabilis agad.

"Kailangan mo talagang mag-work nang mag-work, araw-araw," pahayag ni Bela.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results