Tatlong showbiz personalities, kandidata sa Miss World Philippines 2018

Tatlong entertainment personalities ang nangangarap masundan ang tagumpay nina Miss World 2013 Megan Young at Reina Hispanoamericana 2017 Winwyn Marquez, na sumali muna sa Miss World Philippines bago nila napanalunan ang kanilang mga international beauty crown.

Official candidates sa Miss World Philippines 2018 na magaganap sa Mall of Asia Arena sa October 7, 2018 si former MTV VJ Katarina Rodriguez, ang singer-actress na si Alyssa Muhlach, at ang Artista Academy finalist na si Chanel Morales.


Alyssa Muhlach, Katarina Rodriguez, and Chanel Morales

Hindi na baguhan si Rodriguez sa pagsali sa mga beauty pageant dahil siya ang nanalo ng Bb. Pilipinas-Intercontinental title noong nakaraang taon at 1st runner-up siya sa Miss Intercontinental 2017.

Si Alyssa ang panganay na anak ng aktres na si Almira Muhlach at ng former PBA player na si Bong Alvarez. Contract star si Alyssa ng Viva Artists Agency at may self-titled album siya sa Viva Records.

Produkto si Chanel ng Artista Academy, ang talent search show ng TV5 noong 2012.

Natapos na ang kontrata ni Chanel sa Kapatid Network kaya napapanood na siya sa mga programa ng ABS-CBN.

Boyfriend ni Chanel ang aktor na si Carl Guevara at suportado nito ang pagsali sa Miss World Philippines 2018 ng girlfriend.

Sumasali ang mga entertainment personality sa mga beauty contest dahil sa pag-asang magiging masigla ang takbo ng kanilang mga showbiz career kapag nagkaroon sila ng mga beauty title, gaya nina Megan, Winwyn, at Pia Wurtzbach.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN