Miss Granny ni Sarah Geronimo, mas maganda sa original Korean version?

by Jojo Gabinete
Aug 18, 2018

Hindi "press release" ang kuwento ni Ryan Bang kina Sarah Geronimo at James Reid na isang kaibigan niyang nagtatrabaho sa CJ Entertainment ang nagsabi sa kanyang mas maganda ang Filipino adaptation ng Miss Granny kumpara sa original Korean version.


Miss Granny Korea / Miss Granny Philippines

Ang CJ Entertainment ang South Korean film production company na producer at distributor ng Miss Granny, ang blockbuster 2014 comedy-drama film na may Chinese, Vietnamese, Japanese at Thai adaptation.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Miss Granny China / Miss Granny Japan

May basehan ang pahayag ni Ryan dahil nakatanggap ang Viva Films ng commendation letter mula sa CJ Entertainment.

Masaya at satisfied ang CJ Entertainment sa Filipino adaptation ng Miss Granny dahil bukod sa sinabi ni Ryan, ginamit ng Viva Films ang full title ng Korean version kesa sa ibang adaptation na dinagdagan ng pamagat na Twenty Again.


Unang napanood ni Sarah ang Korean version ng Miss Granny bago niya nabasa ang script ng Filipino adaptation.

Nang mapanood niya ang pelikula, naramdaman agad ni Sarah na gusto niyang gawin ang local version ng Miss Granny, kahit may mga hesitation siya.

"Sabi ko, masyadong maganda, masyadong makabuluhan ang Miss Granny para hindi ko gawin."

Ang mga old song na "Rain," "Kiss Me, Kiss Me," at "Forbidden" ang mga old song na kinanta at ni-record ni Sarah para sa official movie sound track ng Miss Granny.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang "Rain" ang memoryado ni Sarah dahil ni-revive ni Donna Cruz ang nabanggit na kanta noong 1989 at may cassette tape siya ng album ng former singer-actress.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results