Kahit paulit-ulit na sinabi ni Anne Curtis na last concert na niya ang AnneKulit, puwedeng-puwede pa na masundan ang kanyang 21st anniversary concert, base sa reaksyon ng Smart Araneta Coliseum audience.
In her top form si Anne sa concert niya na ginanap kagabi, August 18, sa Big Dome, at ang malaking improvement sa kanyang singing voice ang napansin ng mga nanood ng AnneKulit.
Walang dull moment sa show ni Anne at well-applauded ng audience ang lahat ng mga production nila nina Sarah Geronimo, James Reid, Regine Velasquez, Ex Battalion, at Aegis.
Nang matapos ang duet nila ng Whitney Houston songs, pinayuhan ni Regine si Anne na i-reconsider nito ang desisyon na talikuran na ang concert scene.
"You said in your spiel na I may not be perfect pitch. Sweetheart, bihira yung perfect pitch. Kahit ako, hindi naman ako perfect pitch.Oo nga, mali-mali man yung dance mo, but that’s you.
"Let me just tell you, I think you are a pure-blooded entertainer and performer. I just wanna say, you have a connection with your audience.
"They love you and you inspire them, that’s also a very, very rare quality so I just wanted to tell you that.
"Bakit naman last na? Magbe-baby ka na? Puwede ka naman mag-baby, ako nga tingnan mo, o—nag-baby ako 'tapos kumakanta pa rin ako.
"An entertainer will always be an entertainer. A performer will always be a performer and, you know what, you have an audience watching you and who’s very happy to see you.
"We pray that this would not be your last, “ ang words of wisdom ni Regine para kay Anne.
Postscript: Ang mga estudyante ng Marawi ang makikinabang sa bahagi ng ticket sales ng AnneKulit dahil sa school na ipatatayo ni Anne sa lugar na naapektuhan ng giyera noong nakaraang taon sa pamamagitan ng kanyang Dream Machine Philippines foundation
"Part of the ticket sales will actually be going towards building a new school in Marawi because I truly believe in education and I believe in the right of children having a safe place to study again.
"We all know how children and most families have suffered in Marawi so this is my pledge to them, to help put up a school," ang pahayag ni Anne sa Big Dome audience.