Cong. Vilma Santos, ayaw pangunahan sina Luis at Jessy sa announcement ng kanilang engagement

by PEP Troika
Aug 20, 2018

GORGY RULA: Ayaw magkomento ni Congresswoman Vilma Santos tungkol sa napabalitang engaged na raw ang anak niyang si Luis Manzano kay Jessy Mendiola.

Marami kasi ang naintriga sa ipinost ni Jessy na suot niyang singsing, na galing lang pala sa hikaw niya na ginawang singsing.

Pero mukhang may plano na ang dalawa na tila alam na ni Cong. Vi pero ayaw lang niyang pangunahan.


Continue reading below ↓

“Hindi naman ako puwedeng mauna. Sila dapat ang mag-announce, hindi ako.

“Hayaan niyo na muna kung kailan nila plano mag-announce, maybe this year, maybe next year.

"Bahala na silang magsalita," sabi ni Cong. Vi nang nakatsikahan namin sandali sa 80th birthday ni Mother Lily kagabi, August 19.

Pero gaano na ba kahanda si Cong. Vi na ihatid si Luis sa altar?

“Oo naman, bakit hindi?

“Hindi ko nga alam kung ano ang pakiramdam. Iiyak ako... hindi ko alam,” napapangiti niyang sagot niya sa amin na parang kinikilig pa.

Iba raw kasi siyempre ang feeling lalo na’t first time niya itong gawin sa kanyang anak.

“Definitely, he’s my eldest. So, kung saan siya masaya, di ba? Nandun lang ako,” dagdag niyang pahayag.

Noon pa man ay may basbas na raw siya sa kung anuman ang plano ng dalawa dahil nakikita naman daw niyang masaya si Luis sa piling ni Jessy.

Continue reading below ↓

Pero mas mabuting hintayin na lang daw muna ang announcement ng dalawa.


NOEL FERRER: Ang dami nang beses napabalitang handa na si Luis Manzano na magpakasal.

Mula pa kay Angel Locsin, kay Jennylyn Mercado, at ngayon kay Jessy Mendiola.

At tuwing mababanggit yun, consistent naman din ang sagot ni Ate Vi, na full support siya sa kanyang panganay.

Continue reading below ↓

Hintayin na lang natin kung kailan magaganap ang naturang kasalan.

As it is, may dalawang pelikula pang tinatapos si Jessy—Tol with Joross Gamboa, Ketchup Eusebio, and Arjo Atayde at The Girl in the Orange Dress kasama si Jericho Rosales para sa Metro Manila Film Festival.

So it seems like hintay pa tayo after this year.

I’m sure paulit-ulit na mapag-uusapan iyan sa mga promo ng pelikula. Abangan natin ang mga isasagot nila.

JERRY OLEA: Bagets na bagets pa si Lucky nang una kong makita na nagsasayaw noon sa Jaloux Discotheque sa QC.

After a few years, noong nagsisimula pa lang siya sa showbiz, nakita ko sila ni Nancy Castiglione sa bahay ni Mother Lily sa Greenhills.

Sa ngayon ay tatlo na ang mga anak ni Nancy.

Maging si Edu Manzano ay ilang beses nang nainterbyu kung naiinip ba siyang magkaapo kay Luis.

Just like Vilma, hindi pine-pressure ni Edu ang panganay na anak.

Continue reading below ↓

Nasa estado na si Luis para bumuo ng pamilya.

Keri niyang gumastos sa engrandeng kasal nang hindi kailangang mangutang.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results