Jenine Desiderio at ElNella, hindi nagsalubong ang landas sa birthday party ni Mother Lily?

by Jojo Gabinete
Aug 20, 2018

Unang dumating si Jenine Desiderio sa birthday bash ni Mother Lily Monteverde sa grand balroom ng Crowne Plaza kagabi, August 19.

Several minutes later, magkasabay na dumating ang kanyang anak na si Janella Salvador at ang boyfriend nitong si Elmo Magalona.


Isang guest ang tinanong namin kung nagkita sina Elmo at Jenine.

Continue reading below ↓

Pero sumagot siya ng: “Sorry, wala akong nakitang Elmo when I went to Janella’s table na kasama niya si Jean Garcia. I left early so di ko alam ang ganap.”

Ayon naman sa isang eyewitness na nakausap ng Cabinet Files, magkasama ring umalis sa Crowne Plaza sina Janella at Elmo dahil nakita niya ang pagsakay ng singer-actor sa van ng kanyang girlfriend.

Para maging malinaw ang lahat, si Jenine na lang ang tinanong ng Cabinet Files kung nagkaroon sila ng kanyang anak na magkausap.

"We were assigned seats in tables on opposite sides of the venue... so....

"In spite of all that happened, I believe my daughter, in her heart of hearts, is still good,” sagot ni Jenine, na wala pa rin kupas ang boses at matibay na ebidensiya ang kanyang superb performance sa birthday celebration ni Mother Lily.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results