Lani, Janine, Sen. JV, Arnold kabilang sa naapektuhan ng pagsasara ng NAIA runway

by Jojo Gabinete
Aug 20, 2018

Malaking perhuwisyo ang idinulot sa mga pasahero ng pagsasara ng runway ng Ninoy Aquino International Airport dahil sa Xiamen Air plane na nag-crash landing noong Huwebes ng gabi, August 16.

Marami ang mga flight na nakansela at libu-libong pasahero ang stranded sa mga domestic airport at international airports sa iba’t ibang mga bansa.

Sina Lani Misalucha, Janine Gutierrez, Arnold Reyes, at Senator JV Ejercito ang ilan sa mga kilalang personalidad na naapektuhan ng pagsasara ng NAIA runway.

Muntik nang makansela ang presscon ngayon ng Manila Philharmonic Orchestra para kay Lani Misalucha dahil isang araw siyang stranded sa airport ng Davao City.


Si Lani ang lone performer sa MPO Opus 20: Trailblazing Music Excellence, ang 20th anniversary concert ng Manila Philharmonic Orchestra sa Tanghalang Nicanor Abelardo ng Cultural Center of the Philippines sa September 1.

With much regret, ipinarating ni Lani kay Maestro Rodel Colmenar, MPO founder and musical director, na hindi siya makararating sa presscon na naganap ngayong tanghali, August 20.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ito ay dahil 24 oras nang delayed ang flight niya pabalik sa Maynila mula sa Davao.

Si Rodel na lang ang humarap sa entertainment press para hindi masayang ang mga paghahanda na ginawa nila.

Hindi natuloy ang pagdalo ni Janine Gutierrez sa Kadayawan Festival sa Davao noong August 19 dahil delayed din ang flight niya kaya umuwi na lamang siya.


Si Janine sana ang kasama ni Alden Richards sa float ng Victor Magtanggol sa Kadayawan festival parade.

Ayon kay Angel Javier, ang GMA-7 vice president for Corporate Communications, sinuwerte si Alden dahil hindi nagkaroon ng problema sa schedule ng Davao-bound plane na sinakyan niya kaya nakasipot ang Victor Magtanggol star sa parada.

Labing-limang oras namang nanatili sa domestic airport ng Tacloban City si Arnold Reyes bago siya nakasakay ng eroplano na nagdala sa kanya sa Maynila.


CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pareho ng kapalaran sina Lani at Senator JV Ejercito.

Kung stranded si Lani ng 24 oras, 20 oras si Ejercito sa airport ng Davao kaya sumakit ang likod niya sa matagal na pagkakaupo habang naghihintay ng eroplano.


Nang pumunta siya sa comfort room para umihi, may iba nang nakaupo sa silya ni Ejercito nang bumalik ito dahil sa dami ng stranded passengers.

Ang airport experience niya ang nagpatindi sa kagustuhan ni Ejercito na isulong ang kanyang pangarap na paunlarin ang train system sa Pilipinas.

Saad niya, "Dapat sa international standard, kapag international airport, dalawa dapat ang runway.

"Dalawa yung sa atin kaya lang intersecting ang domestic at international.

"Ang pinaka-feasible ngayon, yung Clark International Airport kasi nandiyan na.

"Tatayuan na lang natin siya ng terminal at ng train.

"Yung train, groundbreaking na, siguro by 2021, umabot sa Clark.

"Noon ko pa ipinu-push yung railway system at airport system, yun ang kailangan ng economy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Mahilig ako sa aviation at sa train, anything that moves, anything that has engines.

"Nung nagpunta ako sa Malaysia, train ako nang train. Gustong-gusto ko talaga."


Patuloy ng senador, "I’m the lone advocate in Congress and Senate na nagtutulak sa railway system, sa infrastructure, sa airport.

"Gusto ko talagang tutukan, i-monitor at i-pressure ang gobyerno na tapusin ang railway at airport system, hindi lang iyan convenience.

"I think yun ang weakest link ng ating ekonomiya. Na kapag nabuo mo iyan, it would cause rapid economic development."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results