Enzo Pineda at Mark Herras, na-miss ang isa't isa

Mahigpit na yakap ang ibinigay ni Enzo Pineda kay Mark Herras nang magkita sila sa birthday party ni Mother Lily Monteverde sa Crowne Plaza noong Linggo ng gabi, August 19.


Sinabi ni Enzo na na-miss nila ni Mark ang isa’t isa dahil nabawasan ang kanilang pagsasama mula nang umalis ang una sa GMA-7 at lumipat sa ABS-CBN.

Ibinalita ni Enzo na may gagawin siyang romantic comedy movie sa Regal Entertainment, Inc. at ang girlfriend ni Mark na si Winwyn Marquez ang kapareha niya.

Narinig ni Enzo na may pinaplano ang Regal na sexy movie na pagbibidahan nila ni Mariel de Leon, pero hindi pa niya alam ang kumpletong detalye.

Kung kailangan sa kuwento ng pelikula, payag si Enzo na magkaroon ng mga sexy at nudity scene sa project na pagtatambalan nila ni Mariel.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN