Nova Villa, bakit iyak nang iyak sa premiere ng Miss Granny?

by Jojo Gabinete
Aug 21, 2018

Iyak nang iyak si Nova Villa nang matapos ang screening ng Miss Granny na ginanap sa Cinema 7 ng TriNoma kagabi, August 20.

Sobrang naapektuhan ang veteran actress ng mga eksena ng Filipino adaptation ng blockbuster Korean movie.


James Reid, Xian Lim, Sarah Geronimo, and Nova Villa

"Ang ganda ng pelikula, nakakaiyak," ang umiiyak na sabi ni Nova na "in a very special role: ang billing ng pangalan sa Miss Granny.

Hindi masisisi na naging emosyonal si Nova dahil binigyan siya ng importansiya sa pelikula na pinagbibidahan ni Sarah Geronimo.

"Maraming salamat po muli. Sana nagustuhan ninyo. Palakpakan po natin si Tita Nova," ang sabi at request ni Sarah sa audience, na maraming beses na pinalakpakan ang mga eksena niya sa Miss Granny.

Sa presscon noon ng Miss Granny, sinabi ni Sarah na maging faithful sana sa kuwento ng original version ang Filipino adaptation ng Miss Granny ang kanyang tanging hiniling kay Boss Vic del Rosario nang tanggapin niya ang project.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi lamang ang hiling ni Sarah sa Viva Films producer ang nasunod dahil nahigitan ni Joyce Bernal ang Korean version.

Si Joyce ang direktor ng Filipino adaptation ng Miss Granny at nagtagumpay siyang bigyan ng ibang flavor ang Pinoy version, pero hindi na-compromise ang kuwento at mga eksena ng monster hit Korean movie na ipinalabas sa mga sinehan noong 2014.

Ibang-iba ang Sarah na mapapanood sa Miss Granny dahil lovable pa rin siya kahit mga brutal ang kanyang mga dialogue bilang butangera ang karakter na ginampanan niya.

Hindi lamang ang mga millennial ang inaasahang susuporta at tatangkilik sa Miss Granny dahil mamahalin din ito ng mga senior citizen na imposibleng hindi ma-in love sa pagkanta ni Sarah sa mga old song na "Rain," "Kiss Me Kiss Me," "Forbidden," at sa madamdamin na pag-awit niya sa "Isa Pang Araw," ang movie theme song na nagpaiyak sa audience na dumalo sa red-carpet premiere ng pelikula.

Original composition ni Miguel Mendoza ang "Isa Pang Araw."

Pamilyar ang pangalan ni Miguel dahil finalist siya sa Philippine Idol, ang talent search program ng TV5 noong 2006.

Postscript: Spotted sa premiere ng Miss Granny sina Nadine Lustre at Kim Chiu, na parehong binigyan ng moral support ang kanilang mga karelasyon.

Si Nadine sa kanyang lover na si James Reid at si Kim sa rumored boyfriend niya na si Xian Lim.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results