Bela Padilla, line producer ng upcoming TV series ng ABS-CBN

Hindi imposibleng hindi matupad ang pangarap ni Bela Padilla na maging television executive dahil siya ang line producer at creator ng isang upcoming show ng ABS-CBN.


Tanggap ni Bela ang katotohanang artista siya ngayon dahil sa kanyang hitsura, pero lilipas din ito kaya kailangan niyang subukan ang ibang larangan sa entertainment industry.

Nagpapasalamat si Bela kay DreamScape Entertainment Head Deo Endrinal dahil ito ang nagbigay sa kanya ng break bilang line producer ng television mini-series.

"Six episodes na mini-series. Very light lang, hindi ko lang alam kung puwede nang ikuwento, pero I wrote it awhile back.

"Very cute rom-com na maraming values," ang mga impormasyong ibinigay ni Bela sa Cabinet Files tungkol sa bagong career niya bilang show creator.

Kahit siya ang line producer, ibang artista at hindi si Bela ang bida sa television project niya sa Kapamilya Network.

"Hindi ako yung artistang babae in some of my films na concept ko.

"Katulad nito, yung next project ko with ABS-CBN, hindi ako part ng cast.

"Talagang creator at producer lang ako.

"I would say na may fulfillment siya sa akin kahit hindi na ako ang nasa harap ng kamera," sabi ni Bela.

Nagkaroon ng lakas ng loob si Bela na magsulat ng mga kuwento para sa pelikula at telebisyon dahil walang nagsusulat tungkol sa mga karakter na gusto niya, gaya ng mga tauhan na kanyang nilikha at napanood ng publiko sa Camp Sawi at Last Night.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN