Judy Ann Santos, mineral water lang ang bayad sa special role niya sa Signal Rock

by Jojo Gabinete
Aug 21, 2018

Ginanap kaninang hapon, August 21, sa Valencia Events Place ang joint Thanksgiving Party ng Regal Entertainment, Inc. para sa box-office success ng Unli Life at sa Critics Choice Award na natanggap ng Signal Rock mula sa Film Development Council of the Philippines, ang organizer ng 2nd Pista ng Pelikulang Pilipino.

Si Chito Roño ang direktor at producer ng Signal Rock at may kinalaman din siya sa Unli Life dahil concept niya ang kuwento ng blockbuster comedy movie ng kanyang talent na si Vhong Navarro.


Ang Regal Entertainment Inc.ang distributor sa mga sinehan ng Signal Rock kaya pinasalamatan ni Roño ang producer na si Mother Lily Monteverde dahil sa suporta nito sa pelikula niya.

May special participation si Judy Ann Santos sa Signal Rock.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero narinig lamang siya at hindi napanood sa pelikula dahil ang boses niya ang ginamit na boses ng karakter ni Vicky, ang nakatatandang kapatid ni Intoy, na buong husay na ginampanan ni Christian Bables.

Hindi naningil ng talent fee si Judy Ann para sa special role nito sa Signal Rock dahil magkaibigan sila ni Roño.

Isang bote lang ng mineral water ang sagot ni Chito nang itanong sa kanya ng Cabinet Files ang “honorarium” na ibinigay niya kay Judy Ann.

Kinunan sa bayan ng Biri, Samar ang mga eksena ng Signal Rock.

Natutuwa at touched na touched na ikinuwento ni Roño na bumiyahe pa nang anim na oras patungo sa Tacloban City ang ilan sa mga residente ng Biri para panoorin ang pelikula na pinupuri ng mga film critic.

"May nagsabi sa akin na ang ingay-ingay nila sa loob ng sinehan dahil nagtatawanan sila kapag nakikita nila ang mga sarili sa wide screen," ang anecdote ni Roño tungkol sa mga residente ng Biri na binigyan niya ng mga eksena sa Signal Rock.

Walang sinehan sa Biri kaya hinihiling kay Roño ng ibang mga hindi pa nakakapanood sa Signal Rock na magkaroon ng special screening sa bayan nila ang pelikula dahil wala silang kakayahang lumuwas sa Tacloban City.

Gumagawa na ng paraan si Roño para mapagbigyan ang simpleng hiling ng mabubuting mamamayan ng Biri na napamahal na sa kanya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results