Mother Lily, nag-request na gawing 20 minutes ang dance number niya sa 80th birthday

In high spirits si Regal Entertainment, Inc. producer Mother Lily Monteverde sa Thanksgiving Party ng Unli Life at Signal Rock ngayo ng Martes, August 21.

May hangover pa kasi siya sa kanyang pinag-uusapang 80th birthday celebration na ginanap sa Crowne Plaza Manila Galleria noong Linggo, August 19.


Maligayang-maligaya ang Regal matriarch dahil dumalo sa importanteng araw ng kanyang buhay ang lahat ng mga taong gusto niyang makapiling.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inabot ng kinabukasan, August 20, ang birthday party ni Mother Lily dahil nalibang sa pagkukuwentuhan ang mga bisita niya.

"Tumakas na ako ng 2:30 a.m.," kuwento ni Mother Lily.

Hindi mapagkakamalang 80 years old ang movie producer dahil masiglang-masigla at malakas pa rin ang pangangatawan niya.

Ang dance number ni Mother Lily ang isa sa mga highlight ng birthday party niya.

Ipinagtapat ni Mother Lily na dalawa at kalahating minuto lang dapat ang haba ng dance number niya, pero siya ang nagsabi sa choreographer na tagalan at gawing 20 minutes ang kanyang pagsasayaw.

Nang tanungin tungkol sa dahilan ng pag-iyak niya habang kinakantahan siya ni Gary Valenciano, “Na-touch ako sa lyrics ng kanta niya” ang sagot ng karakter na producer ng Regal.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dalawang araw matapos ang kaarawan niya, nakatanggap pa rin si Mother Lily ng mga birthday gift mula kay Piolo Pascual at kay former Senator Lito Lapid, na nagpadala ng roasted calf na ibinahagi ng Regal Films producer sa mga dumalo sa thanksgiving party ng Unli Life at Signal Rock.

Nabanggit ni Mother Lily ang birthday present na ipinadala sa kanya ni Luis Manzano at ng girlfriend nitong si Jessy Mendiola.

Nakangiting ikinuwento ni Mother Lily na binatilyo pa si Luis nang maglambing ito sa kanyang nanay, ang Star for All Seasons na si Vilma Santos, na ibili siya ng cell phone na nagsisimula pa lang na mauso noon.

Nang malaman ni Mother Lily ang gusto ni Luis, siya ang bumili ng cell phone at ibinigay niya sa tuwang-tuwang anak nina Vilma at Edu Manzano.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close