Nakasalalay sa magiging box-office result ng Goyo: Ang Batang Heneral ang pagsasapelikula ng TBA Studios sa life story ni Manuel L. Quezon, ang pangulo ng Commonwealth of the Philippines mula 1935 hanggang 1944.
Si Benjamin Alves ang gumanap na Manuel L. Quezon sa Goyo, na pinagbibidahan ni Paulo Avelino.
Kung matutuloy ang Quezon bioflick, malaki ang tsansang si Benjamin ang lead actor ng project.
Anim na taon na ang nakalilipas mula nang mag-audition si Benjamin para sa Heneral Luna, at siya rin ang gumanap na Lt. Manuel Quezon sa 2015 hit sleeper movie ni John Arcilla na produksiyon din ng TBA Studios.
Kuwento ng Kapuso actor, "Six years ago, I was in a room na doing a very, very horrible audition, in front of Sir Nando, Sir Edward, and Direk Jerrold, not knowing na after six years, I’m in front of you talking about Goyo.
"Ang layo na po ng narating from just a piece of paper of reading that, 'tapos ito na ang napuntahan natin.
"I’m confident na after this movie, we’re just gonna gain momentum for a Quezon film but, again, we have to celebrate what’s happening now."
Hindi masisisi si Benjamin kung mangarap at umasang siya pa rin ang gaganap na Manuel Quezon kapag natuloy ang plano na third and final installment ng historical trilogy collaboration ng TBA Studios at ng Heneral Luna at Goyo director na si Jerrold Tarog.
Marami ang naniniwalang hinog na si Benjamin para magbida sa isang pelikula dahil sa cast ng Kapag Nahati ang Puso, ang natural acting ability niya ang napapansin ng viewers ng morning drama series ng GMA-7.