Barbie Forteza, nahihiyang tawaging Primetime Princess ng GMA-7

Isang brand new van ang regalo ni Barbie Forteza sa sarili nang mag-celebrate siya ng 21st birthday noong July 31.

"Puwede akong mag-party sa loob," description ni Barbie sa bagong sasakyan na matagal pa niyang tinitirhan kesa sa bahay nila dahil sa kanyang tapings para sa Inday Will Always Love You, rehearsals at live show para sa Sunday PinaSaya.


Para patunayang totoo ang kanyang mga sinasabi, ikinuwento ni Barbie na mas malaki pa ang gastos niya sa gasolina kung ikukumpara sa electric bill sa tahanan nila.

Kahit top-rating program ng GMA-7 ang Inday Will Always Love You, hindi nawawala ang humility ni Barbie na hiyang-hiya kapag may nagsasabi sa kanyang siya na ang "Primetime Princess" ng Kapuso Network.

"Nahihiya ako kasi parang kini-claim ko yun.

"Pero kung yun po ang tingin nila sa akin, at kung sa tingin nila, e, deserving ako sa title na yun, hindi naman para itaboy ko pa.

"Pero I’m very happy with what’s happening sa television career ko, right now.

"With or without title, masaya ako dahil kapag Barbie Forteza, they don’t treat me as just a teen star, they treat me as a young actress.

"I’m not claiming anything but I’m very happy kung yun ang tawag nila sa akin.

"Lahat naman tayo, nagtatrabaho para ma-acknowledge, ma-recognize.

"Pero iyang mga ganyang title, kung deserve ko man, maraming salamat.

"Kung kunin ng iba, okey lang, walang problema," ang walang paliguy-ligoy na reaksiyon ni Barbie tungkol sa Primetime Princess na ikinakabit sa pangalan niya.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN