Mayayamang nanood ng Crazy Rich Asians, lumabag sa anti-camcording law

by Jojo Gabinete
Aug 24, 2018

Alarming ang karanasan ng popular celebrity photographer na si Raymund Isaac sa block screening ng Crazy Rich Asians sa isang sinehan dahil sa inasal ng mga nakasabay niya sa panonood.

Alarming dahil binalewala ng ilan sa mga invited guest ang Republic Act No.10088 o Anti-Camcording Act of 2010.


Nakapagtataka rin na walang aksyong ginawa ang cinema management sa paglabag sa batas ng manonood, kahit sabihin pang Hollywood movie at hindi local movie ang palabas.

Continue reading below ↓

Ito ang karanasan ni Isaac na ibinahagi niya sa kanyang Facebook account:

"I was invited to watch Crazy Rich Asians last night in one of the most expensive movie theaters in Manila, so the crowd were the ones who can afford, the rich and the affluent.

"Sad to say despite all that description, a lot of them took out [their] phones, recorded some scenes, replied to messages and opened their FB.

"What has happened to us na? Is this an addiction?

"Or are we just oblivious to other people?" ang tila nababahalang tanong ni Isaac.


Continue reading below ↓

Ang nasaksihan ni Isaac ang nagpaalala sa amin sa kaso ng 36-year-old woman na nahuli na nagre-record ng mga eksena ng The Day After Valentine’s sa SM Cinema sa Angono, Rizal noong August 15, 2018, gamit ang camera phone niya.

Mariing itinanggi ng suspect na film pirate siya, pero sinampahan pa rin siya ng kaso dahil bago nag-umpisa ang screening ng pelikula, paulit-ulit at hindi nagkulang sa paalaala ang cinema management na bawal ang camcording.

Marami ang influential personalities na nag-padrino para huwag nang idemanda ang suspect pero nabigo sila.

May dapat ipaliwanag ang management ng sinehan na pinagdausan ng block screening ng Crazy Rich Asians dahil saksi si Isaac sa "actual film piracy" na ginawa ng mga nakaririwasa sa buhay na audience pero pinalampas lamang nila.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results