Nova Villa, nakikita ang sarili kay Sarah Geronimo

Emosyunal si Nova Villa sa red-carpet premiere ng Miss Granny sa TriNoMa Cinema 7 noong August 20 dahil gandang-ganda siya sa pelikula nila ni Sarah Geronimo.

Pero sa thanksgiving party na ginanap sa Botejyu restaurant sa Robinson’s Galleria, ngayong tanghali, August 24, hindi pa rin napigilan ng veteran actress ang pagluha dahil sa kabutihang ipinakita sa kanya ng Popstar Royalty.

Touched na touched si Nova kay Sarah dahil sa sinabi nito ng "Palakpakan po natin si Tita Nova!" nang matapos ang screening ng Miss Granny sa red-carpet premiere nito.


Naluluhang pahayag ng veteran actress, "Nakakaiyak yun. Sa isang katulad ko, Sarah is a superstar and sino naman ako?

"Supporting lang ako, pero yung the way she said it, introducing me that way, para akong namangha, natulala.

"Ang bait na tao ni Sarah. Hindi ko siya barkada, nakasama ko lang siya sa movie.

"Pero the first time we became acquainted to one another, nabasa ko ang pagkatao niya, nabasa ko ang puso niya.

"She’s a very good girl, a very good person, a very good actress. Ang galing niya!"


Patuloy ni Nova, "Hindi naman masyadong mahaba ang mga eksena ko, pero I noticed something.

"Habang pinapanood ko ang movie, I can see myself kay Sarah.

"Sabi ko, parang hindi rin ako nawala. Nakikita ko ang sarili ko kay Sarah.

"May nagsabi rin sa akin na 'Alam mo, Tita Nova, kahit wala ka na sa eksena, parang nakikita at nararamdaman ka namin kay Sarah.'

"Ako mismo, sabi ko, parang ako mismo, parang ako siya."

May mensahe rin si Nova para sa bashers dahil nakakabasa siya ng mga batikos.

"There are some bashers, sana huwag ganoon. Tingnan natin yung positive side.

"Watch the movie, walang dapat i-bash! Stop it!

"Kunin natin yung mabuti, yung maganda.

"Huwag na tayong kumontra at gumawa ng mga pangit na kuwento, sapagkat yung mga ganitong klase ng movie ang kailangan natin sa panahon ngayon.

"Magbago tayo and this is the start, Miss Granny.

"This is the kind of movie na kailangan ng mundo ngayon, we need love!" ang intense na pakiusap ni Nova.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN