Sarah Geronimo, ayaw angkinin ang tagumpay sa takilya ng Miss Granny

Maligayang-maligaya si Sarah Geronimo sa box-office success ng Miss Granny.

Dahil likas na down-to-earth sa kabila ng kanyang popularidad, hindi niya inangkin na siya ang dahilan ng tagumpay ng pelikula.


Ikinatuwa rin ni Sarah ang mga naririnig at nababasang papuri tungkol sa kanyang performance sa Miss Granny at ang mga opinyong ito ang pinakamaganda sa lahat ng mga pelikulang ginawa niya.

"More than enough na yun, e. Yung ma-appreciate ka, yung ibinigay mo na performance na nabigyan mo ng justice.

"Yung mga nabasa ko na tweets, baka Popsters yun, hehehe! Sabi nila parang Miss Granny talaga, na-embody ko si Miss Granny.

"Maraming-maraming salamat po sa lahat ng mga naka-appreciate.

"At, siyempre, ibibigay ko po yung credits sa direktor ko, sa acting coach ko and, of course, kay Tita Nova [Villa] dahil talagang na-inspire nila ako na ibigay ang lahat ng makakaya ko," sabi ni Sarah.

Sa promo guesting niya noon sa It’s Showtime, ikinuwento ni Ryan Bang na sinabi umano ng isang kaibigan nitong nagtatrabaho sa CJ Entertainment (ang Korean film outfit na producer ng original Miss Granny) na nahigitan ng Filipino adaptation ang original version.

Hiningi ng Cabinet Files ang reaksiyon dito ni Sarah.

"At first, hindi ako naniwala. Akala ko si Ryan, nagdyu-joke lang.

"Pero kung totoo man yan, thank you very much.”

Nang malaman ni Sarah ang mga papuri sa kanya ni Nova, nanlaki ang mga mata niya at buong pagpapakumbaba na nagsalita ng, “Ay! Oh my God, si Tita Nova ang superstar, siya ang superstar ng pelikulang ito. Siya si Miss Granny.

"Ako po ay humbled lang dahil sa akin ibinigay, sa akin ipinagkatiwala yung younger Tita Nova Villa. Si Tita Nova talaga yun.

"Wow naman, coming from Tita Nova, wow, okey na talaga ako. Sobrang masayang-masaya na ako!" ang masayang-masaya na sabi ni Sarah.

Postscript: Mabilis na kumalat ang balitang kumpleto ang cast ng Miss Granny sa Botejyu restaurant kaya biglang nagsulputan ang fans na hiyawan nang hiyawan dahil nakita nila nang personal sina Sarah, James Reid, Xian Lim, at Nova Villa.


Bago siya umalis, pinagbigyan ni Sarah ang lahat ng request na photo op at video greetings.

Nagpaalam din siya sa lahat at nang makalabas ng restaurant, muling bumalik si Sarah dahil nakalimutan niyang magpaalam kay Nova Villa, na muling nalusaw ang puso sa endearing gesture ng kanyang co-star.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN