Alden Richards, dumayo pa sa GenSan para sa birthday ni Baeby Baste

Si Alden Richards ang special guest ng child star na si Baeby Baste nang mag-celebrate ito ng 6th birthday noong August 22, Miyerkules, sa General Santos City.


Dumayo pa si Alden sa General Santos City para mapaunlakan lang ang imbitasyon ni Baste, na itinuturing siyang best friend.

Kung pinasaya ni Alden ang co-host niya sa Eat Bulaga!, ang mga bata mula sa St. Agnes Orphanage ang mga bisita ni Baste sa birthday party nito na ginanap sa Watergran Beach Resort sa GenSan.


Si Baste ang host ng sariling birthday party at nagkaroon siya ng mga palaro para sa mga bisita niya pero biglang nawala nang magsimula ang photo op.

"Nung picture taking na, biglang nawala, um-exit na sabay sabi ‘Sorry dabarkads, mag-swimming na ako ha kay gabi na," ang kuwento ng nanay ni Baste tungkol sa eksena na ginawa ng kanyang anak.


 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN