Xian Lim, clueless sa pagpapaalis sa upuan kay Kim Chiu sa Miss Granny premiere

by Jojo Gabinete
Aug 24, 2018

Nag-trending ang balita tungkol sa diumano’y pagpapaalis kay Kim Chiu at sa kasama nito sa upuan nila nang pumunta sila sa premiere night ng Miss Granny sa TriNoma Cinema 7 noong August 20.

Nagpunta si Kim bilang suporta sa kanyang rumored boyfriend na si Xian Lim.


Kulang ang detalye ng mga balita dahil ang viral video lamang ang ginamit na basehan, hindi na tinanong ang mga taong nakakaalam sa tunay na pangyayari.

Continue reading below ↓

May reserved seats para kay Kim na katabi ng upuan ni Xian, pero lumipat ang aktres sa silya na nakatoka para sa mga bisita ni Nova Villa.

May valid reason naman si Kim dahil hindi siya cast member ng pelikula kaya nahihiya siyang tumabi kay Xian.

Nang nakaupo na si Kim at ang kanyang kasama, dumating naman ang mga supporter ni Nova.

Ang road manager ni Xian na si Mhit Pimentel ang lumapit kay Kim at nagsabing ililipat na lamang siya sa ibang upuan.

Si Mhit ang napagkamalang nagpaalis kay Kim sa puwesto nito.

Pero ang totoo, siya ang nag-asikaso sa aktres nang dumating ito. Sinamahan pa niya si Kim sa loob ng sinehan.

Dahil alam ni Kim ang katotohanan, naglabas siya ng pahayag para hindi na lumaki ang isyu.

Sabi niya sa kanyang Twitter followers, "Yes this is true, pinaalis kami, but all went well naman... ok lang yun.. tama naman si ate/kuya may seat numb naman talaga siya. kaya kami na lang lumipat... let’s talk about how good the movie is not this very small incident, nothing biggy. parehas naman po kami nakanood."

Continue reading below ↓

Sa ginanap na victory party ng Miss Granny ngayong Biyernes, August 24,, tinanong si Xian tungkol sa insidente.

Sabi niya, "May narinig lang ako sa likod na merong something na nangyayari, pero everything’s okay.

"Nagsabi naman si Kim na everything’s okay. Nagulat lang ako, hindi ko talaga alam ang nangyari."

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results