Ruffa Gutierrez, umiyak nang matanggap ang invitation sa kasal ng ex-husband na si Yilmaz Bektas

by Jojo Gabinete
Aug 24, 2018

Si Annabelle Rama ang source ng balitang umiyak ang kanyang anak na si Ruffa Gutierrez nang matanggap nito ang wedding invitation mula sa ex-husband na si Yilmaz Bektas.


Ikinuwento ni Annabelle sa kanyang mga kaibigan na member ng Wednesday Club na umiyak si Ruffa nang malamang muling magpapakasal sa ibang babae ang ama ng dalawang anak niya.

Continue reading below ↓

"Bakit ka umiiyak? Gusto mong bumalik sa kanya para bugbugin ka naman? Hayaan mo na siya, meron ka na rin namang boyfriend na PG," kuwento ni Annabelle tungkol sa reaksiyon niya sa pag-iyak ni Ruffa.

Ayon sa entertainment columnist na si Mario Bautista, na personal na nakausap ng Gutierrez matriarch, gusto ni Yilmaz na dumalo sa kasal nito sa Istanbul, Turkey, ang mga anak nila ni Ruffa na sina Venice at Lorin.

Ikinasal sina Ruffa at Yilmaz sa NBC Tent, The Fort noong May 25, 2003 pero tumagal lamang ng apat na taon ang pagsasama nila.

Noong March 2010, pumutok ang balitang ikakasal si Yilmaz kay Miss Universe 2006 Zuleyka Rivera, pero hindi nagtagal ang kanilang relasyon.

Marami nang lalaki ang dumaan sa buhay ni Zuleyka mula nang maghiwalay sila ni Yilmaz.

May isang anak si Zuleyka sa kanyang ex-boyfriend na si Jose Juan Barea, at ang businessman-producer na si German Rosete Llergo ang karelasyon niya sa kasalukuyan.

Continue reading below ↓

WHO IS RUFFA GUTIERREZ'S FIRST HUSBAND?

Bagamat si Yilmaz ang kilalang husband ni Ruffa. Ang first husband niya ay isang nagngangalang Richard Daloia. Nagpakasal sila sa Las Vegas noong January 19, 1999, at nag-file daw si Ruffa ng divorce noong 2000. Sa panayam ng actress-host sa defunct showbiz talk show na Startalk, sinabi niya na, "When you're young, you do a lot of crazy things. You're impulsive... you're in love."

WHO IS RUFFA GUTIERREZ BOYFRIEND?

Si Jordan Mouyal ang tinutukoy na current Ruffa Gutierrez boyfriend, isang French-Israeli businessman. Taong 2014 nung nag-open up ang dating beauty queen tungkol sa kanyang love life. Ayon sa dating beauty queen, "hardworking" ito at hindi iniinda ang mga intriga sa showbiz, maging ang patutsada ni Annabelle. Ang sabi pa niya, "Yung mga Pinoy, pag inaaway na ni mommy, nawawala na parang bula! Ito, wala siyang pake as long as I'm nice to him! Even if my mom... He just smiles. He says 'Hello.'"

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results