Ben Tulfo, Jay Sonza lumambot ang puso para kay Mike Enriquez

Three months ago, wagas na wagas ang pagbatikos nina Ben Tulfo at Jay Sonza laban sa kanilang kapwa broadcast journalist na si Mike Enriquez dahil sa mga opinyon nito sa kanyang radio program sa DZBB tungkol sa alleged Department of Tourism anomaly na kinasasangkutan ng Tulfo brothers at ng kanilang kapatid, si former DOT Secretary Wanda Teo.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasama si Mike sa mga pinaratangan ni Sonza na nagmamalinis, samantalang nagbanta noon si Ben na isisiwalat sa publiko ang mga nalalaman niya tungkol sa veteran Kapuso broadcast journalist.

Tila nagbago ang ihip ng hangin at lumambot ang mga puso nina Ben at Sonza nang malaman nila na may kidney ailment at sasailalim sa heart surgery si Mike sa susunod na buwan kaya hindi na ito napapanood sa 24 Oras, ang primetime newscast ng GMA 7 at hindi na rin siya napapakinggan sa kanyang morning program sa DZBB.

Sinabi ni Ben na kabilang siya sa mga nagdarasal para sa quick recovery ni Mike na itinuturing niyang kaibigan, kahit nagkaroon sila ng mga hindi pagkakaunawaan.

“Isa ako sa mga nagdadasal at umaasa sa agarang paggaling sa anumang karamdaman ng aking kaibigan na si Mike Enriquez, news anchor ng GMA-7.

“Sa inyong kabatiran, si Mike Enriquez ay aking kumpare sa kasal. Tumayo kaming dalawa bilang ninong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Late '70s and early '80s, senior ko si Mike Enriquez sa larangan ng radio broadcasting, pagiging disc jockey.

“Hangad ng programang ito at ako personal na nagdadasal ang agarang paggaling ng aking kumpare, senior sa industriya, si kumpareng Mike.

“Anumang naging magkasalungat naming mga pananaw at opinyon na kung minsan umabot na sa pilyong asaran… ito ay trabaho lang.

“Subalit kapag pag-uusapan ang karamdaman at kalusugan ninuman, bilang isang Kristiyano… damayan, pag-unawa, awa at dasal ang kailangan,” pahayag ni Ben.

Reconciliatory din ang mensahe ni Jay na ipinagdarasal ang mabilis na paggaling ni Mike.

“Excuse me po. My prayers for a successful surgery and speedy recovery for my good friend and former colleague BABY MICHAEL aka MIKE ENRIQUEZ.

“Mike and I worked together at RMN [Radio Mindanao Network] and GMA Network and RGMA for a good number of years,” sabi ni Jay.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close