Paulo Avelino, gaano kagaling mangabayo?

by Jojo Gabinete
Aug 25, 2018

Napangiti si Paulo Avelino sa presscon ng Goyo: Ang Batang Heneral dahil sa tanong sa kanya ng isang lady entertainment editor tungkol sa husay niya sa pangangabayo.

“Gaano kagaling mangabayo ang isang Paulo Avelino?” ang eksaktong tanong ng lady editor sa lead star ng Goyo na binigyan ng malisya ng ibang mga nakarinig.

Bilang Gregorio del Pilar sa historical epic movie ng TBA Studios, required si Paulo na sumakay sa kabayo sa maraming eksena, kaya nagkaroon siya ng rigid training sa pangangabayo.


“For Goyo, bago pa man nagsimula yung pelikula, nag-horse training lessons na ako for a long time.

“Actually, umabot yata ng two months.

“Hindi ko natapos yung buong training pero medyo overtrained ako for the film,” ang sagot ni Paulo na muling napangiti nang tanungin tungkol sa expertise niya sa pangangabayo.

“Hindi ko masasabi na expert pero above average ako na mag-handle ng kabayo.

“Yung mga kabayo na ginamit sa Goyo, smaller ones dahil wala naman tayong ganoon na kalalaking kabayo unless napakayaman ng pamilya noong panahon na yon,” ang sabi ni Paolo na binanggit din na insured ang buong cast ng Goyo: Ang Batang Heneral habang ginagawa nila ang pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Our producers made sure that everyone is insured, but more than that, I think one reason why they wanted me to train so much is to avoid accidents on the set,” dagdag niya.

Hindi lamang artista si Paulo sa Goyo dahil isa rin siya sa mga executive producer ng pelikula na tumagal ng 60 days ang filming sa loob ng pitong buwan.

Kaya kakaibang karanasan ito para sa direktor na si Jerold Tarrog na nagbitaw ng salitang, “I can honestly say that I never thought I’d experience something like that in my life.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results