Sa brief conversation ng Cabinet Files kay Jervi Li aka KaladKaren ngayong umaga, August 27, binanggit niya muli na ang bouncer ng H&J Sports Bar and Restaurant ang pangalan ng business establishment sa Poblacion, Makati City ang nagtaboy sa kanya at sa mga kasama niya dahil mga bakla sila.
Nangyari ang insidente kagabi, August 26.
Nakunan ni Jervi ng video ang pagtataboy sa kanila ng bouncer na nagsabing "Hindi nga muna ngayon [puwedeng pumasok] ang mga bakla."
Ipinaliwanag ng unidentified bouncer na napag-utusan lamang siya kaya hindi dapat ma-offend ang grupo ni Jervi, na sumagot ng "Na-o-offend kami because that’s discriminating people."
Sinaway rin ng bouncer ang transgender woman na naninigarilyo na sinabihan niya ng "Brother, doon tayo mag-sigarilyo…" na kinontra ng popular impersonator ni Karen Davila.
Ang katotohanang mga bakla sila at hindi dahil nilabag nila ang dress code kaya hindi pinapasok sa bar ang lalong ikinabahala ni Jervi.
Umani ng mga simpatiya at suporta si Jervi mula sa mga kilalang personalidad sa showbiz at sa ordinaryong taong naniniwala na mali ang naging trato sa kanila.