Sarah Geronimo, may hawig kay Vilma Santos noong kabataan nito

Gumawa ng kasaysayan ang Miss Granny kahapon, August 26, dahil sa local movies na ipinalabas sa cinemas nationwide mula noong January 2018, ang pelikula ni Sarah Geronimo ang may hawak ng record na highest single-day gross na PHP21 million.


Kaya taus-puso ang pasasalamat ng singer-actress at ng Viva Films sa lahat ng mga tumangkilik sa Filipino adaptation ng 2014 blockbuster Korean movie.

"Salamat po sa lahat dahil binigyan niyo kami ng pagkakataong ma-touch ang inyong mga puso at ipa-remind po sa inyo muli ang pagmamahal ng isang magulang para sa kanyang mga anak.

"Sabi nga, ang magulang, kahit kailan, hindi matitiis ang anak at saka ang nanay, talagang napaka-selfless magmahal para sa kanyang mga anak," pasasalamat ni Sarah.

Napangiti naman si Sarah sa obserbasyon ng Cabinet Files na may mga anggulong kahawig niya si Lipa City House Representative Vilma Santos-Recto sa ilang mga eksena ng Miss Granny.



Binanggit ni Sarah na sinabi sa kanya noon ng kanyang Miss Granny co-star na si Nonie Buencamino ang resemblance niya sa Star for All Seasons.

"Hahahaha! Nabanggit sa akin ni Tito Nonie. Sabi niya, 'Parang kahawig mo si Ate Vi noong kabataan.'

"May anggulo raw, wow naman…" flattered na reaksiyon ng Popstar Royalty.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN