Sa Biyernes pa, August 31, matatapos ang Hindi Ko Kayang Iwan Ka pero nauna na ang pagpapasalamat ni Yasmien Kurdi sa lahat ng mga sumubaybay at tumangkilik sa HIV advocaserye ng GMA 7 na pinagbidahan niya.
"Maraming salamat sa pagtutok ng mga tao sa Hindi Ko Kayang Iwan Ka. Sinamahan nila si Thea.
"Na-prove namin na kahit HIV positive ang isang tao, meron pa rin siyang sariling teleserye at istorya ng buhay.
"It doesn’t mean na kapag HIV positive ka, end of the world, dahil kaya mo na mabuhay nang normal tulad ni Thea," sabi ni Yasmien.
Tiyak din daw na mami-miss niya ang kanyang mga kasamahan sa trabaho.
"Naging sobrang close kami. Hindi ko akalain na makakabuo kami ng friendship na parang forever na.
"Hindi ko in-expect na magkakaroon ako ng good friends sa show na 'to."
Nag-last taping day noong nakaraang linggo ang mga artista at production crew ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka kaya may panahon na si Yasmien na ayusin at asikasuhin ang bagong bahay na regalo sa kanya ng asawa niya na si Rey Soldevilla Jr.
Hindi na kumuha ng interior designer sina Yasmien at Rey dahil sila ang personal na pumipili ng mga gamit para sa bahay nila sa Muntinlupa City.
Sabi ni Yasmien, "Ginagawa naming project yung bahay.
"Every time na may day-off kami, may binibili kami for the house. Gusto namin na pagandahin pa yung bahay.
"Wala kaming interior designer. Yung mga furniture, pinasadya kasi nahihirapan kami na maghanap.
"Wala kaming choice kundi ipasadya ang mga gamit."