Ikatutuwa ni Jervi Li aka KaladKaren Davila at ng LGBTQ community ang good news ni Cavite Vice Governor Jolo Revilla na naipasa na sa lalawigang nasasakupan niya ang SOGIE equality bill, ang Act Prohibiting Discrimination on the Basis of Sexual Orientation or Gender Identity or Expression.
Noong Linggo ng gabi, August 26, inireklamo ni KaladKaren ang H&J Sports Bar and Restaurant sa Poblacion, Makati City dahil itinaboy siya at ang kanyang mga kasama ng bouncer na nagsabing bawal muna ang mga bakla na pumasok sa naturang establishment.
Kaya ipinaglalaban niya na dapat irespeto ang SOGIE na proteksiyon ng LGBTQ laban sa discrimination.
Kahapon, August 27, ipinagmalaki ni Jolo na naipasa na sa Cavite ang SOGIE ordinance kaya may proteksiyon sa probinsiya nila ang mga miyembro ng LGBTQ.
"Itong ordinansang ito ay ang nagbibigay proteksiyon para sa lesbian, gays, bisexuals, transgenders and queers.
"Alam niyo po, kung nagawa po namin ito dito sa lalawigan ng Cavite, mas lalong kayang-kaya natin ito sa buong Pilipinas.
"Alam niyo po kung bakit? Dahil Pinoy, ikaw ang idol ko," pahayag ni Jolo.