Patricia Javier, muling sumali sa beauty pageant

Twenty years ago, sumali sa 35th edition ng Binibining Pilipinas si Genesis Canlapan.

Hindi man siya pinalad manalo, ang beauty pageant na nilahukan niya ang naging instrumento para matupad ang kanyang pangarap maging artista at makilala bilang Patricia Javier.


Twenty years later, muling susubukan ni Patricia ang kapalaran niya sa beauty pageant dahil kabilang siya sa eight finalists ng Mrs. Universe Philippines-Finest Woman 2018, na magaganap sa September 8 sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila, Pasay City.

Muling ginamit ni Patricia ang tunay na pangalan sa Mrs. Universe Philippines-Finest Woman at suportado ng kanyang American husband, ang celebrity chiropractor na si Dr. Rob Walcher, ang pagsali niya.

Matagal pinag-aralan ni Patricia ang desisyon niya at nakumbinsi siyang sumali dahil sa health and wellness advocacy nila ng kanyang asawa.

Nang sabihin ng Mrs. Universe Philippines-Finest Woman organizer kay Patricia na makakatulong ang participation nito sa beauty pageant para maisulong ang health and wellness advocacy nila ni Rob, saka lamang siya pumayag, kahit kabadung-kabado sa bagong chapter ng kanyang buhay.


Hindi nag-iisa si Patricia na alumna ng Binibining Pilipinas na official candidate sa Mrs. Universe Philippines-Finest Woman 2018 dahil contestant din si Charo Calalo.

Sinubukan noon ni Calalo na mag-artista at Charo Laude ang ginamit niyang screen name.

Ipinakilala si Charo sa Bocaue Pagoda Tragedy, ang 1995 movie ng Seiko Films.

May poll para sa People’s Choice ang Mrs. Universe Philippines-Finest Woman organizer at kung popularidad ang pagbabasehan, malaki ang tsansa ni Patricia aka Genesis Canlapan-Walcher na manalo sa walong finalists ng contest.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN