Candy Pangilinan, handang bigyan ng pointers si Ken Chan tungkol sa autism

May mild intellectual disability with mild autism spectrum disorder ang karakter na ginagampanan ni Ken Chan sa My Special Tatay, ang afternoon drama series ng GMA-7, na mag-uumpisa sa September 3 at ipapalit sa Hindi Ko Kayang Iwan Ka na magwawakas sa Biyernes, August 31.

Hindi nagdalawang-isip si Candy Pangilinan na tanggapin ang alok para gumanap na Chona Mariano, ang tiya ni Boyet (Ken), dahil malapit sa puso niya ang kuwento ng bagong afternoon prime ng Kapuso Network.


Open book sa publiko ang buhay ni Candy, ang pagiging single mother niya at ang pagkakaroon ng teenage son na may autism, si Quentin Alvarado.


“This is a chance para mabigyan ng boses at autism awareness ang community, yung mga bata na may disability, so natutuwa ako and I’m very grateful to be a part of this project,” pahayag ni Candy.

May sapat na kaalaman si Candy tungkol sa autism dahil sa kanyang mga personal na karanasan kaya asset siya sa My Special Tatay.

Hindi pa nagkakausap sina Candy at Ken tungkol sa autism, pero handa ang comedienne na bigyan ng pointers ang lead actor ng upcoming television show ng GMA-7.

Habang nagsasalita si Candy, ipinaalaala ni Ken sa kanya ang libro na ibibigay niya, ang Mommy Dear: Our Special Love.

"Ah, bibigyan ko siya ng book pala kasi hindi siya bumili, masama ang ugali.

"P225 lang sa National Bookstore, hihingin pa sa akin. Hehehehe!" biro ni Candy.

"Hindi po, bibigyan ko siya ng book para maintindihan niya yung pinagdadaanan na stages ng development ng mga bata.

"Kung ano yung fears nila, kung paano sila nagre-react sa ibang tao," ang kidding aside na sabi ni Candy.

Ang VRJ Publishing Inc. ang publisher ng Mommy Dear: Our Special Love, ang kuwento ng journey ni Candy mula nang ipagbuntis niya si Quentin, ang mga pagsubok na kanilang pinagdaanan at patuloy na pinagdaraanan, ang special needs ng anak na mag-isa niya na ibinibigay, at ang kanyang pagmamahal na walang kapantay.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN