Lian Paz, masaya sa pagbubuntis ni LJ Reyes

Hindi maitatanggi sa mga social media post ni Lian Paz na maligaya at kuntentong-kuntento siya sa piling ng kanyang partner na si John Cabahug at ng kanilang mga anak, kaya hindi nakakagulat na malamang masaya siya para kay LJ Reyes.

Si Lian ang estranged wife ni Paolo Contis, ang ama ng ipinagbubuntis ni LJ, at Cebu-based na siya mula nang talikuran ang showbiz dahil priority niya ang pamilya nila ni John.


"I am happy for her and I wish her well," sagot ni Lian nang itanong ng Cabinet Files ang reaksiyon niya tungkol sa kalagayan ngayon ng girlfriend ng kanyang estranged husband.

Sa interview kay Paolo ng 24 Oras, sinabi niyang inaayos pa nila ni Lian ang annulment ng kanilang kasal at ganito rin ang pahayag ng ina ng kanyang dalawang anak.

"Regarding our annulment, it’s actually a long story, but as far as I know, it’s under process," sabi ni Lian.

Nabanggit din ni Paolo sa 24 Oras interview ang plano niyang personal na sabihin sa dalawang anak na babae nila ni Liana ng pagbubuntis ni LJ.

Kahit nauna nang nag-post sa social media at nagsalita si Paolo tungkol sa bagong kabanata ng buhay niya, hindi pa rin alam ng kanyang mga anak na magkakaroon na sila ng bagong kapatid.

Kinumpirma ni Lian na walang alam ang mga anak nila ni Paolo tungkol sa pagbubuntis ni LJ dahil matagal nang walang communication ang mag-aama.

"Matagal nang walang communication ang mga bata sa kanya.

"If I’m not mistaken, five years na ang mga bata na under my protection and John’s security po," ang matter-of-factly na sabi ni Lian.

Postscript: Bukod sa pag-aalaga at pag-aasikaso sa pamilya niya, tumutulong si Lian kay John sa pamamahala sa kanilang mga negosyo.

Bukod sa pamilya ni John ang may-ari ng QuickSilver Health Products Industry, ang manufacturer ng SkinMate beauty products at V-drink Malunggay juice, may resort at restaurant sila sa Cebu, ang Luwag, at 7-11 branch sa Banilad, Cebu.

Nagtatrabaho si Lian bilang operations manager ng resort at under construction ang bagong 5-hectare resort nila sa Dalaguete, Cebu.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN