Millennials, hindi kilala kung sino si Goyo?

by Jojo Gabinete
Aug 31, 2018

Ang kamangmangan ng millennial staff ng isang business establishment sa SM Megamall ang nasaksihan namin habang nagaganap ang red-carpet premiere ng Goyo: Ang Batang Heneral kagabi, August 30.


"Sino si Goyo? Ipakilala niyo nga sa akin si Goyo?" ang tanong ng isang babae sa kanyang kapwa empleyado.

"Oo nga," ang sagot ng tinanong niya.

"Bakit nagkakagulo ang mga security guard ng SM?

"Bakit halos kalahati ng security ang nakaabang sa mga artista, hindi naman sila tinitilian?

"Saka mas marami ang tumili kina Daniel at Kathryn," obviously referring to Daniel Padilla and Kathryn Bernardo, the stars of The Hows of Us. The movie had its red-carpet premiere last August 28 at SM Megamall.

Sumingit sa pag-uusap ng dalawang mangmang ang kanilang kasamahan sa trabaho na ipinakita rin ang pagiging ignorante.

"Si Goyo, iyan yung bagong pelikula ni Paolo Ballesteros!"

Clearly, ang nag-uusap na millennial staff ng business establishment ang may problema dahil mas pinili nilang maging tanga at ignorante.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa panahon ngayon ng internet, Google at social media, makikilala agad si Goyo o General Gergorio del Pilar sa pamamagitan ng mga cell phone na hawak ng millennial staff na hindi nakapagtataka kung mas ginagamit nila sa pagbabasa ng fake news.

At any rate, tagumpay ang ginastusan na red-carpet premiere ng Goyo: Ang Batang Heneral dahil lumikha ito ng ingay.

Napuno ng manonood ang apat na sinehan na pinagtanghalan ng pelikula ni Paulo Avelino na hindi nakakagulat dahil sa cast pa lang ng Goyo, kasama ang mga bitplayer, jampacked agad ang red-carpet premiere.


Matapos panoorin ang Goyo, awa ang aming naramdaman para sa heneral na namatay sa edad na 24 dahil ipinakita sa pelikula na sa kabila ng mataas na ranggo ni Del Pilar, nangibabaw pa rin ang pagiging bata niya sa isip, salita, at gawa.

Character actor ang kategorya ni Mon Confiado sa Philippine movie industry pero pang-lead actor ang performance niya sa Goyo.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ipinakita sa pelikula ang ugali ni Aguinaldo na mas pinahahalagahan ang personal na interes kesa pag-ibig sa bayan, na hindi ikatutuwa ng mga descendant niya dahil anti-Aguinaldo ang bagong movie project ng direktor na si Jerrold Tarog.

Nagawa nina Carlo Aquino at Rafa Siguion Reyna na markado ang mga karakter na ginampanan nila, kahit suporta sila ni Paulo.

Kilala si Epy Quizon na komedyante, pero sa Goyo, convincing siya sa kanyang papel bilang Apolinario Mabini.

Harinawang wala nang millennials na paiiralin uli ang kabobohan at muling magtatanong kung bakit nakaupo lang si Epy sa mga eksena nito sa Goyo, tulad ng nangyari nang una niyang gampanan si Apolinario sa 2015 sleeper hit na Heneral Luna.

Si Benjamin Alves ang gumanap na Manuel L.Quezon sa Heneral Luna at Goyo.

Kapag natuloy ang plano ng TBA Studios na isalin sa pelikula ang life story ni Manuel Quezon (na last installment ng trilogy movie nila tungkol sa mga personalidad na lumaban para sa kalayaan ng Pilipinas), may posibilidad na si Benjamin pa rin ang gumanap na pangulo ng Commonwealth of the Philippines mula 1935 hanggang 1944.

Malaki na ang improvement ng acting ability ni Benjamin, kung pagbabasehan ang performance niya sa Kapag Nahati ang Puso ng GMA-7 kaya puwede na siyang pagkatiwalaan ng mga challenging role.

Sa end credits ng Goyo, ang pangalan ni TJ Trinidad ang nakalagay bilang old Manuel Quezon.

Kung hindi matalas ang mata ng manonood, hindi nila mapapansin na ang pinatandang mukha ni TJ ang ginamit na litrato ni Quezon sa mga campaign poster at makikita ito sa katapusan ng pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tinapos namin ang end credits roll ng Goyo dahil nagkaroon kami ng interes na malaman ang pangalan ng kumanta ng "Bato sa Buhangin" na ginamit na theme song.

Si Glaiza de Castro ang nag-revive ng "Bato sa Buhangin" at para sa kaalaman ng mga tamad mag-research, ang naturang kanta ang theme song ng 1976 movie nina Fernando Poe Jr. at Vilma Santos.

Ang FPJ Productions ng itinuturing na King of Philippine Movies ang producer ng pelikula na nagpaiyak noon sa moviegoers dahil namatay ang isa sa mga lead character.

Ang tatay ni Quezon City Mayor Herbert Bautista na si Herminio "Butch" Bautista ang sumulat ng kuwento ng Bato sa Buhangin.

Mula ito sa direksyon ni Pablo Santiago, ang ama ni Rowell Santiago kaya nagkaroon ito ng special participation sa FPJ-Vilma starrer noong bata pa siya.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results