Mike Tan, hindi puwedeng mabakante sa trabaho ngayon

by Jojo Gabinete
Aug 31, 2018

Magwawakas ngayong hapon, August 31, ang Hindi Ko Kayang Iwan Ka ng GMA-7.

Sa pagtatapos ng teleserye, umaasa ang lead actor na si Mike Tan na mabibigyan agad siya ng follow-up project dahil buntis sa magiging panganay nila ang asawa niya.


“Hopefully, after ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka, sabi ko nga, bawal ako mabakante.

Continue reading below ↓

"Mabakante na ako sa susunod, walang ngayon," panalangin ni Mike.

Hindi itinanggi ng StarStruck winner na hindi niya sineryoso ang kanyang acting career noong nagsisimula pa lamang siya bilang artista.

Nagkaroon ng realization si Mike na mahal nito ang entertainment industry nang maging active siya sa stage at lumabas sa mga play ng Cultural Center of the Philippines.

"Dumating din ako sa point na parang tine-take for granted ko yung mga trabaho ko.

"Bata pa ako noon, hindi ko sineseryoso, nabakante ako, nawalan ako.

"Nung mag-start ako sa stage, na-realize ko na hindi ako puwedeng maging stagnant.

"Kailangan ko na mag-focus kung saan ako magsa-shine. Hindi ako sa sayaw, hindi ako sa kanta.

"Saan mas tumatagal ang mga artista? Sa pag-arte."

Malaking-malaki na ang improvement ng acting ability ni Mike dahil sa mga workshop na kusang-loob niyang pinuntahan.

Sabi niya, "Ang industry natin ay kind at the same time, harsh.

Continue reading below ↓

"Kapag hindi mo inayos, kapag hindi mo ginalingan, alam mo kung saan ka dadamputin.

"Pero kapag ginalingan mo, magiging kind sa iyo.

"Sa CCP talaga ako nag-grow as an actor.

"Kapag iniisip ko, ang suwerte na ngayon ng mga bata kasi spoonfed na sila ng GMA Artist Center. Ibinibigay sa kanila lahat.

"Sinabi ko sa kanila, 'Napakasuwerte niyo kasi kami, kung gusto namin na mag-improve, aalis kami, lalabas kami, maghahanap kami.'

"Pero ngayon, ang nagtuturo sa kanila ng acting, from New York pa, kaya huwag ninyong i-take for granted."

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results